May mga taong nagsasabi na “Interesado ako sa nursing care industry…” pero pagdating sa aktwal na pag-konsidera sa pagtatrabaho, sa tingin ko ay marami pa rin ang nag-iisip na “Gusto kong malaman ang aktwal na kondisyon at gawain sa lugar ng trabaho”, at “Gusto ko munang makasalamuha ang mga nagtatrabaho”.
Para naman sa mga nagtatrabaho na may kinalaman sa nursing care, mayroong ding nag-iisip na “Gusto kong magkaroon ng kaibigan sa trabaho sa nursing care”, “Gusto kong malaman ang ginagawa ng ibang institusyon”, at “Gusto kong kumonsulta ukol sa problema sa trabaho sa nursing care”.
Mayroong lugar kung saan maaaring magsama-sama at makipag-ugnayan ang mga taong may ganitong iniisip o problema. Ang “Mirai wo Tsukuru Kaigo (Nursing care) Café” ay isang NPO na nagbibigay ng lugar kung saan maaaring mag-usap tungkol sa iniisip, matuto, o makipag-ugnayan ukol sa mga bagay na malapit sa tema ng nursing care. Ibabahagi rito ang mga online events na pinangasiwaan ng NPO “Mirai wo Tsukuru Kaigo Café”.
Ang NPO “Mirai wo Tsukuru Kaigo Café” ay karaniwang nagdaraos ng “Kaigo Café” isang beses sa isang buwan para magbigay ng lugar ng ugnayan kung saan makakasalamuha ang mga mula sa ibang propesyon at makakapulot ng maraming mga aral.
Ang “Kaigo Café” noong Disyembre 2020 ay idinaos sa pakikipagtulungan sa Sankei Shimbun. Ang Sankei Shimbun ang nagpapatakbo ng "Care Web Magazine YouYouLife" na naglalathala ng impormasyon ukol sa nursing care. Ang “Kaigo Presentation Night ~Ang Kaigo na Nagpapaunlad sa Buhay ng Higit sa 100 Taong Gulang~” ay idinaos upang maghatid ng impormasyon mula sa mga nursing care providers ukol sa aktibidad ng bawat institusyon.
Idinaos ang presentasyon na pinamagatang “Ipinagmamalaking lokal na nursing care sa buong bansa” ng 5 institusyon mula sa buong bansa na nagbibigay ng nursing care habang nagsusumikap para sa lokalidad. Napakinggan ang kanya-kanyang paraan ng bawat institusyon sa kanilang lokalidad sa nasabing presentasyon.
Ibinahagi ng institusyon ng nursing care mula sa lungsod ng Kagoshima ang aktibidad nito sa pagbuo ng lugar kung saan nakakasalamuha ng mga lokal na mga mag-aaral sa unibersidad ang mga nakatatanda. Nagsasagawa rin di umano sila paminsan-minsan ng mga aktibidad tulad ng event na isinasali ang lokalidad sa pamamagitan ng pagkuha ng kooperasyon ng bumbero, community general support center, Council of Social Welfare, at iba pa. Nagsasama-sama at nagsasaya ang mga mula sa institusyon ng nursing care, tao mula sa lokalidad, at nakatatanda. Nagdala ito ng mas maraming sigla at saya sa mga nakatatanda sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa mga taong hindi kadalasang nakakasama sa loob ng pasilidad tulad ng mga batang ka-edad ng kanilang mga apo. Naipadama ng presentasyon ang kagandahan ng nursing care tulad nito.
Ang sesyon ay idinaos nang may masaya sapagkat hindi lamang seryosong usapan kundi pati na rin ibang paksa tulad ng sikat na produkto ng lokalidad ang tinalakay sa presentasyon.
Pagkatapos ng presentasyon, hinati sa mga grupo na may 4-5 miyembro at nagkaroon ng group session. Sa group session, pinag-usapan ang reaksyon sa presentasyon at galak na nagkwento ang bawat miyembro tungkol sa mga aktibidad ng kanilang pinagtatrabahuhan at lokalidad.
Naging pagkakataon ito hindi lamang para magkikita online kundi pati narin para mapagbahagi ng impormasyon sa isa’t isa at para malaman ang mga gustong alamin.
Bukod pa sa group session, nagkaroon din ng “Patok na kwentong nursing care” kung saan nagbahagi ng mga nakakatawang kwento sa lugar trabaho ng nursing care kaya napuno ng tawanan ang online meeting. Higit pa sa katatawanan mula sa mga kwento, naramdaman ang mainit na pagtanggap mula sa bawat isa dahil sa kanilang masayang pagharap sa nursing care.
Dito nagtatatapos ang salaysay tungkol sa online event na “Kaigo Presentation Night ~Ang Kaigo na Nagpapaunlad sa Buhay ng Higit sa 100 Taon ~” ng NPO “Mirai wo Tsukuru Kaigo Café”
Ang NPO “Mirai wo Tsukuru Kaigo Café” ay karaniwang nagdaraos ng “Kaigo Café” isang beses sa isang buwan kung saan maaaring lumahok at makakuha ng impormasyon at impresyon sa iba't ibang institusyon.
Maaari ring makipag-ugnayan sa isa't isa ang mga taong interesado sa industriya ng nursing care at mga taong nasa propesyon na ng nursing care sa pamamagitan ng message board ng community site na "Kikkake YouYouLife" na pinangangasiwaan ng Sankei Shimbun.
Para sa mga interesado sa nabanggit na komunidad, alamin ang detalye sa link sa ibaba.
Nakatakda ring ilathala sa fukushikaigo.jp ang artikulo tungkol sa “Mirai wo Tsukuru Online Café ~Ang paraan ng aming pagtatrabaho para sa kinabukasan~” na ginanap noong Pebrero 26 sa pagtutulungan ng NPO “Mirai wo Tsukuru Kaigo Café” at "Kikkake Project" ng Sankei Shimbun. Abangan ito.
※NPO “Mirai wo Tsukuru Kaigo Café”
Binuo ng care worker at care manager na si Hisako Takase noong 2012 sa kagustuhang bumuo ng isang lugar na makakapagbigay ng oportunidad sa pamamagitan ng malayang pagtalakay ng hangarin na hindi pinapansin ang titulo o posisyon sa trabaho base sa tema ng nursing care at medical care na malapit sa kanya. Mula sa hangaring ito, nagsagawa siya ng iba't ibang aktibidad isang beses sa isang buwan tulad ng pagbubukas ng lugar kung saan maaaring makipag-ugnayan sa lungsod tulad ng cafe, pagsasanay ng mga facilitator, pagsuporta sa pagtayo ng cafe, kolaborasyon sa ibang industriya, at iba pa. Sa kasalukuyan ay naghahatid siya online (zoom) ng iba't ibang aktibidad tulad ng café. (http://www.kaigocafe.com/)
※“Kikkake YouYouLife”
Online community na pinangangasiwaan ng Sankei Shimbun
(https://www.beach.jp/circleboard/af08100/topictitle). Maaari itong gamitin bilang oportunidad para makakuha ng propesyonal na kaalaman sa nursing care at makipag-ugnayan sa mga taong may kinalaman sa nursing care. Bisitahin din ang web magazine na “YouYouLife” (https://youyoulife.jp/) na naghahatid ng impormasyon sa trabaho ng nursing care.