Ang trabahong nursing care ay ang "Pagpapangiti ng mga tao" ~Pagpapakilala ng programa sa TV na "Nippon no Kaname" (Mga Saligan ng Japan)~

~"Pag-unawa" pagkatapos ay "Pagbabago" sa pamamagitan ng mga tunay na karanasan. ~

"Ang isa sa bawat apat na tao ay matanda". Maraming tao na siguro ang nakarinig ng mga problemang kinakaharap ng Japan. Sa patuloy ng pagbaba ng birthrate at pagtanda ng populasyon, paano masusuportahan ng mga kabataan ang mga matatanda? Ito ang isang pangunahing temang mag-iimpluwensya sa kinabukasan ng Japan.

Dahil binabasa niyo itong artikulo, siguro ay kahit papaano, may interes kayo sa "nursing care". Subalit, gaano kalawak ang inyong kaalaman tungkol sa realidad ng "pagtatrabaho sa isang care site"? Maraming tao siguro ang may hindi tiyak na imahe dito at iniisip na ito ay "mukhang mabigat..." o "mukhang mahirap".

Noong nakaraang taon, ipinalabas sa BS Fuji ang isang programa sa TV na bumulabog sa imaheng nabanggit sa taas at ipakikilala ko ngayon ito dito sa artikulo.

Ang programa ay tungkol sa kung paano natuklasan ng mga mag-aaral ang "kasiyahan" ng nursing care sa pamamagitan ng tunay na pagdanas nito sa mga care site, at sa sumunod na pagbabagong naganap sa kanila. Dahil sa pagbago nila ng kanilang imahe tungkol sa nursing care, sila ay nagsimulang kumilos ayon sa kanilang "sariling kusang pagnanais na pangitiin ang mga matatanda".

Ang programa ay kasalukuyang ipinapalabas bilang program archive, kaya't panoorin ito.
Program archive video ng "Nippon no Kaname" (Mga Saligan ng Japan) ng taong 2019

   

~Iba't ibang anyo ng nursing care na nagpapangiti sa mga tao~

Ang programang ito ay kwento ng mga mag-aaral ng departamento ng social work at nursing care at ng mga mag-aaral na walang anumang kaalaman tungkol sa social work at nursing care, at ang pagkakaroon ng malaking pagbabago sa kanila dulot ng kanilang sabay na pagdanas sa realidad sa isang care site. Sinundan ang kwento hanggang sa dulo kung saan nagsagawa sila ng event na sila mismo ang nagplano. Masasabing ang programang ito ay magbibigay sa maraming to ng mas malalim na pang-unawa tungkol sa "Ano ba ang trabahong nursing care?" at babaguhin ang kanilang imahe tungkol dito.

Sa karaniwan, kapag sinabing trabahong nursing care, ang pumapasok lamang sa isip ng maraming tao ay ang "pisikal na nursing care" tulad ng pagtulong sa pagkain, pagligo, pag-ihi at pagdumi araw-araw. Gayunpaman, ipinakikilala sa mga taong may kinalaman sa nursing care na may iba't iba itong anyo.

Sa unang episode, ipinakilala ang music facilitation kung saan, kasabay ng pagtugtog ng electone ng mag-aaral na magaling dito, ay masayang makaka-awit ang mga mag-aaral kasama ang mga matatanda. Sa una ay kabado, ngunit matapos mapagtanto ng mga mag-aaral na kita ang paninibago sa mukha na "Ah, kaya ko palang pangitiin ang mga matatanda gamit ang aking talento", pagdating ng ikalawang kalahati ay masigla at masaya na nilang ginagawa ang trabahong nursing care.

    

   

Bilang karagdagan, mula ikalawang episode ay ipinakilala ang iba't ibang anyo ng nursing care tulad ng pagbisita sa mga beauty salon na nag-aayos ng buhok at naglalagay ng make-up sa mga matatanda, at pagiging travel helper na kasama pumunta sa bakasyon, panonood ng mga musical at pagbisita sa mga art exhibition. Sa pamamagitan ng pagkatuto at pagdanas ng kahalagahan ng trabahong "pagpapangiti" ng mga matatanda, nagbago ang imahe ng trabahong nursing care para sa mga mag-aaral. Sila mismo ang sumasalamin ng ideyang sa pamamagitan ng "pag-unawa", ay magkakaroon ng "pagbabago".

Partikular na memorable ang "pagbabago" kung saan ang mga mag-aaral na walang kahit anumang kaalaman tungkol sa social work at nursing care ay nakilala ang mga matatanda, at bagaman mahirap noong una ay mahirap, unti-unting naging madali ang kanilang komunikasyon.
Aliwin at pangitiin ang tao. Naramdaman nilang ito ay isang parte ng tunay na diwa ng trabahong nursing care.

    

    

~"Pag-unawa" at "Pagbabago~

Maraming mga tao ang may iba't ibang stereotype tungkol sa trabahong nursing care nang hindi alam ang katotohanan ang realidad sa mga care site. Ang personalidad na si Jun Kaname ay nagkomento din sa huling bahagi ng programa na mahirap ang trabahong nursing care at kahit sabihin sa kanyang ito ay nursing care, hindi iyon ang imaheng papasok sa isip niya.

Gayunpaman, sa mismong pagdanas ng realidad nito, ang magsasagawa ng nursing care ay magiging mas pamilyar dito, at makakakuha din ng kasiyahan. Ipinakita ng programang ito sa pamamagitan ng mga mag-aaral na sa "pag-unawa" ay magbabago ang imahe ng industriya ng nursing care.

Ang nursing care ay hindi "lamang" bagay na ginagawa ng pamilya at mga care worker, kundi bagay rin na sinusuportahan ng partisipasyon mula lokal na komunidad at mga iba't ibang industriya, teknolohiya at iba pa. Ang nabanggit na music facilitation at pagbisita sa beauty salon ay halimbawa rin nito.

Kahit na walang kwalipikasyon tulad ng isang certified care worker, helper, o iba pa, maraming pagkakataon ang lahat na tumulong sa isang care site sa pamamagitan ng paggamit ng mga bagay kung saan kayo magaling.

Inaasahan kong kayo rin ay pag-isipang gamitin ang mga bagay kung saan kayo magaling upang "magpangiti ng mga tao" sa pamamagitan ng pagtulong sa trabahong nursing care sa iba't ibang paraan.

    

    


    

【Iskedyul ng pagpapalabas ng "Nippon no Kaname" (Mga Saligan ng Japan) ngayong taon】
Ito ay ang "Nippon no Kaname" (Mga Saligan ng Japan) na napakapopular noong nakaraang taon, at napagpasiyahang ipalabas ulit ito ngayong taon.
Unang beses: Pebrero 7 (Linggo)  2:00 - 2:30 ng hapon
Ikalawang beses: Pebrero 14 (Linggo)   12:00 - 12:30 ng tanghali
Ikatlong beses: Pebrero 28 (Linggo)   2:00 - 2:30 ng hapon

Isang online workshop para sa mga mag-aaral na nag-aaral ng nursing care at social work ang isinagawa upang pag-isipan at ipresenta ang kanilang mga ideya upang pagbutihin ang nursing care at social work at gawing maliwanag at positibo ang hinaharap ng mga ito. Sa programa, binibigyang tuon ang disensyo ng workshop na ito at ipinakikilala ang mga taong nagsusumikap na positibong baguhin ang nursing care at social work.

Ang programang ito ay tumutulong sa mga manonood upang "Matutunan ang "ngayon" ng nursing care at social work, at isipin ang "mula ngayon" bilang maliwang, positibo at personal na isyu", kaya lubos kong inaanyayahan kayong panoorin ito.
I-click ito para sa mga detalye ng programa

Ang programang ito ay ipinapalabas ng "Social Work and Nurse Care Hand-on and Participatory Events Implementation Project" (SANKEI BLDG TECHNO Co., Ltd.). Ang sumusunod na artikulo ay ipinakilala ang proyekto kaya't lubos ko kayong inaanyayahang basahin din ito.
Introduksyon ng Social Work and Nurse Care Hand-on and Participatory Events Implementation Project